of reasons and rainbows

promdi in the US

Posted by: grace on: August 26, 2009

tsk, tsk… hindi ako makapaniwala na at this time, meron pa rin akong mga episodes na nakakatanga talaga…. kumusta naman yun. parati na lang akong mali mali pagtungtong sa ibang lugar. dakilang probinsyana talaga.pagkatapos kong mag plantsa ng damit na isusuot sa office kaninang umaga, eto hindi ko maintindihan kung paano ko ngayon titiklupin ang kabayo ng plantsa. kelangan ko bang ipress yung kawad na nasa gilid? o hilahin paatras yung banda likuran ng kabayo? di ko talaga alam…eto tinititigan ko ngayon at baka sakaling mafigure out ko kung paano ko sya itutumba habang nakatitig. hirap.

naalala ko tuloy ang mga previous katawa tawa modes ko sa US at Singapore.

  1. Hindi ako marunong gumamit ng dishwasher! pasensya na po pero wala talaga nyan sa bundok, di hose pa nga ang gripo namin eh. unang linggo ko sa St. Paul nang mabagabag ako ng dishwasher. Ipinatas ko ang mga plato, baso at kutsara.. pero pagkatapos nun, hindi ko na alam. wala namang manual na nagtuturo kung paano maghugas ng plato. pero sa totoo lang, medyo obvious naman sya nung natutunan ko na. Kelangan lang pihitin yung knob at ayun, maghuhugas na ng kusa ang mga pinggan. parang washing machine lang. Yun nga lang, nung first time kong gamitin, hindi ko alam na kelangan pala gamitan ng sabon! kumusta naman yun?
  2. Isang umaga sa gitna ng jetlag, nagising ako ng alas tres at naisipan kong mag prito ng bacon. Sa mga oras din na yun, kachat ko sa jun sa YM. So ayun, usap usap kami, miss ko sya, miss nya ko…etc. So to make the long story short, nasunog ang bacon. Umusok ang kawali. At… tantararan… nag alarm ang fire alarm sa kusina. Susme, nataranta talaga ako. Natakot ako kasi pakiramdam ko at any time eh kakatukin ako either ng mga pulis at bumbero. At ang pasaway na fire alarm, hindi ko mapatigil. Wala na nga ang usok sa kawali sige pa rin ang usok. Grabe, natakot talaga ako at tuluyan ng di nakatulog.
  3. Pagkatapos kong matutunan ang dish washer, ang susunod ko namang challenge ay kung paano gamitin ang washer / dryer na hindi tumatanggap ng cash. kelangan may laundry card para magamit. Sa San Francisco ko na ito naranasan. Nakakatawa kasi, sa mga apartment units namin dati, walang washing machine. Meron lang common laundry area sa basement at duon kami naglalaba. Nung first time kong naglaba, wala akong kamukat mukat kung paano ioperate ang washing machine na yun. Yun pala, merong parang phone booth na naka install sa may entrance ng laundry room at duon pwede kang bumili ng laundry card sa halagang 10 – 20 dollars na pwede mong gamitin 4-5 times.
  4. Pagdating ko sa Singapore, hindi ko rin alam kung paano tupiin ang plantsahan. iba sya kesa sa plantsahan ko ngayon pramis. Kaya bumili ako ng mumurahing plantsahan na alam kong tiklupin.
  5. Sa Singapore, sa labas ng bahay namin, may sign “Raised Zebra Crossing”. Eto katangahan lang talaga. Hindi ko maisip na pumasok sa isip ko to pero to be honest, ang naisip ko nung unang nakikita ko ang sign na to bago ko tumawid sa daan pagpasok sa office… “what they raise zebras here? and what they let them cross the streets?!!”. oo na… stupid of me. pero nakakatawa di ba?

Sa pagbalik ko dito sa SF, unti unti na namang bumabalik ang mga nakakatangang bagay. pero hindi na kagaya dati. in fact, parang deja vu na nga ngayon eh. parang nangyari na ang mga bagay… at nauulit lang. gaya ng plantsa.

1 Response to "promdi in the US"

hahaha. mga perstaym talaga…

musta naman yung fire alarm… natatawa ako pag naiisip ko yung hitsura mo… toinks…

me plantsahan din dito pero alam ko na ngayon kung paano ito tupiin. hehehe

Leave a Reply

tweet with me

Error: Please make sure the Twitter account is public.

lives in a box

one hot cafe late to go

grace is not your typical girl. she hates fashion and dressing up and she doesn't know how to use or wear make up. her personality is very confusing. at hindi pa sya nakakasakay ng ferris wheel. ^_^

hey, how you doin'?

dyois_02 on Every Little Thing He Does is…
dyois_02 on ubo ubo….
mandrakesmd on about the author
chelluvu on about the author
lipadlaya on The Big Apple

 

August 2009
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

1 mississippi, 2 mississippi, 3 mississippi...

  • 38,799 smelly cats

captured memories

mrt tripping

vida with the aunties and uncles

seafood hawker

seafood galore

chopsticks

More Photos